LEGAZPI CITY – Nakatakdang mag-host ang lalawigan ng Albay sa nalalapit na Regional Hospital Week Celebration 2024. Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) sa pamamagitan ng Albay Provincial Health Office (APHO) at iba pang ahensyang katuwang sa darating na Agosto 5 hanggang 9 taong kasalukuyan.
Ang nasabing isang linggong pagdiriwang ay susubok sa kakayahan ng mga tauhan ng ospital mula sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte. Ayon naman sa PGA, bilang host province, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng isang pagpupulong sa pangunguna ng PHO, kung saan tinalakay rito ang mga bagay na may kinalaman sa nalalapit na pagdiriwang.
Itinulak ngayon ng PHO ang pagsasapinal ng programa at pagtatalaga ng tungkulin, kung saan itinatampok ang talakayan tungkol sa pag-iskedyul ng mga laro, pagtanggap sa mga delegado, pagtalaga ng mga accountable personnel, at higit sa lahat ang kanilang respective venues.