Balidasyon para sa relokasyon ng mga pamilyang nasa loob ng 6km PDZ ng Bulkang Mayon, nagpapatuloy

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang balidasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) para sa relokasyon ng mga pamilyang nasa loob pa rin ng 6km permanent danger zone (PDZ).

Ito ay ayon mismo kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head Dr. Cedric Daep sa kakatapos lamang na pagpupulong kasama si Australia’s Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT) Counsellor Peter Adam.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa opisyal, sa kanila umanong isinagawang pagtataya, nasa 709 na mga pamilya ang kailangang i-relocate mula sa 6km PDZ. Sinabi din nitong ang permanente umanong relokasyon na ito ay bahagi ng long-term solution na binalangkas ng Pamahalaang Lokal ay bahagi ng 2023 Mayon Resilient, Recovery, and Rehabilitation Plan (M3RP).

Ayon naman sa pinakahuling datos ng APSEMO mula umano sa nagpapatuloy nilang balidasyon ay mayroon ng 333 na pamilya o 1,194 na indibidwal ang na-aydentipika.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ito ay mula pa lamang sa lungsod ng Tabaco, at Bayan ng Malilipot kung saan ito ay kinabibilangan ng 607 na mga lalaki, 560 na mga kababaihan, 1,167 na mga bata, 18 mga Persons With Disabilities (PWDs), at 68 na mga senior citizens.