Lalaking tulak ng iligal na droga tiklo sa buy- bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Tiklo ang isang tulak ng iligal na droga sa buy- bust operation sa Purok 4, Brgy Casalugan, Paracale, Camarines Norte maghahating gabi noong Huwebes.

Ayon sa Paracale Municipal Police Station kabilang sa Regional Recalibrated Data Base on Illegal Drugs ang 28 anyos na suspek na kinilalang si alyas “Nonoy” 28, may kinakasama, minero at residente sa naturang barangay.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Naaresto si Nonoy matapos na matagumpay na makabili sa kanya ng iligal na droga ang itinalagang poseur buyer ng grupo ng Paracale Police.

Nakuha sa pag iingat ng suspek ang isang  piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete at limamg maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu at boodle money.

Tinatayang aabot sa timbang na apat na gramo ang nakuhang items na may halagang mahigit kumulang Php22,000.00.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang nabanggit na personahe ay nasa kustodiya na ng naturang Municipal Police Station na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 dahil sa pagbebenta at pag – iingat ng iligal na droga.

Photos courtesy: Aris Zante Zamudio Alexopolus