CNPH tinadtad ng tarpaulin na nagpapahayag ng pagtutol sa hakbang ng mayorya sa  Sangguniang Panlalawigan na i- abolish ang ilang posisyon sa mga government hospital sa lalawigan

CAMARINES NORTE- Bumulaga sa mga empleado at pasyente ang mga naglalakihang tarpaulin nitong Biyernes na ikinabit sa halos lahat nang sulok ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Ito ay bilang pagpapahayag ng pagtutol sa hakbang ng mayorya ng Sangguniang Panlalawigan na kilalang mga kaalyado ni outgoing Governor Edgardo Tallado na bumubuwag sa ilang mga posisyon sa mga government hospital sa lalawigan.

Naniniwala ang mga nasa likod ng paglalagay ng mga tarpaulin na malaking perwisyo ang idudulot ng hakbang ng majority Board Members dahil kulang na nga ang empleado ay mababawasan pa ang mga nagbibigay ng serbisyo sa dami ng mga pasyenteng dinadala  sa mga ospital na ito araw- araw.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ilan lamang sa mga nakasulat sa naglalakihang tarpaulin ay ang mga katagang “Mariin naming tinututulan ang Ordinansang Pagtanggal ng bakanteng posisyon ng mga empleado sa mga pampublikong pagamutan,” “No Abolition of Plantilla Positions in Camarines Norte Government Hospitals, at “Huwag Pabagsakin ang mga Hospital Bagkus Tulungan para sa mga mahal na mamayan ng Camarines Norte.”

Mayroon ding pakiusap sa mga Bokal na pumabor sa abolisyon ng mga posisyon na maawa naman daw sa mga pasyente.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kabilang sa mga Bokal na pumabor sa pag buwag ng ilang mga posisyon sa mga hospital na pinapatakbo ng Provincial Goverment ay sina Board Members Artemio Serdon Jr, Joseph Stanley Alegre, Renato Moreno, Michael Aling, Aida Dasco, Leonardo Baning at Ramon Baning.

Sabi pa sa nakasulat sa tarpaulin “Maayos at kapaki- pakinabang na legislation, HINDI ABOLITION! Maawa po kayo sa mga Healthworkers at pasyente ng PHO, CNPH, LDH at CMCH.