Inaresto na ng pulisya ang lalaking nanuntok ng sound operator at ng barangay tanod noong Pebrero 2024 sa Brgy. Abaroan, Roxas Palawan.
Ang suspek ay si Joey Villanueva, 22-anyos na residente sa barangay.
Inisyu ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ang warrant of arrest laban kay Joey noong July 15 na agad naman isinilbi ng Roxas PNP.
Si Joey ay inireklamo ng Direct Assualt upon a Person in Authority ng tanod na kanyang sinuntok.
Ayon kay Kapitan Henry Cacatian, piyesta sa kanila noong araw na iyon kung saan naroon ang suspek na sumasayaw at nagrequest ng tugtog sa operator ngunit hindi niya narinig ang kanyang hiling.
Dahil dito, sinuntok ni Joey ang operator at ang rumesponding tanod.
Samantala, aabot sa P36,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na ngayon ay hemas-rehas na.