Hindi bababa sa 17.6% ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas pa rin ng involuntary hunger sa ikalawang quarter ng taon.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) poll, tumaas pa ang rate na ito mula sa 14.2% noong buwan ng Marso.
Napag-alaman na pinakamalaking porsyento ng nararanasang kawalan ng pagkain ay nangyayari sa Metro Manila.
Sinusundan ito ng Balanced Luzon na may 19.6%, Mindanao na may 15.7%, at Visayas na may 13.7%.
Naging malaki ang itinaas ng Mindanao.
Mula kasi sa 8.7% lang noong Marso, umakyat na agad ito ngayon sa 15.7%.
Nakitaan din ng mabilis na pagtaas ng involuntary hunger rate ang Balance Luzon, na mula sa 15.3% noong March, pumalo na ito sa 19.6%.