Mahigit 200 pamilya sa Pio Duran, Albay, apektado ng sama ng panahong dala ng Bagyong Carina

LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit 200 mga pamilya sa bayan ng Pio Duran, Albay ang kasalukuyang naaapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Noel Ordoña, sinabi nitong base sa kanilang datos, nasa 34 kabahayan ang naiulat na napinsala, kung saan 25 ang naitala sa Brgy. 1, walo sa Sitio Lagaan, Banawan, at isa sa Cagbatano, Malidong at pawing hindi na rin ito matitirhan kaya’t nagsagawa sila ng evacuation.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA
Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon kay Ordoña, pawang coastal barangays ang apektado ng nasabing sama ng panahon. Sa kapareho ring datos, nasa 198 na pamilya ang naapektuhan ng pagbaha.

Tiniyak naman ni Ordoña na kanilang mino-monitor ang sitwasyon ng mga residente.