Lalaking nambugbog-patay sa isang magsasaka, arestado sa Santiago City

Arestado ang isang lalaking nambugbog-patay sa isang magsasaka sa isinagawang operasyon ng Santaigo City Police Station sa Purok 5, Divisoria, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Cristobal Fabros, 30 anyos habang kinilala naman ang biktimang nasawi na si Cirilo Solis, 57 anyos, may asawa at kapwa mga magsasaka na residente sa nasabing lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dati na umanong mayroong galit sa bawat isa ang suspek at biktima dahil sa kanilang sinasakang lupa.

Muling lumitaw ang naturang isyu nang nag-inuman sina Fabros at Solis kung saan nang malasing ang mga ito ay doon na umano humantong sa bugbugan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Naidala pa sa Bagtilay Clinic at kalaunay inilipat sa Southern Isabela Medical Center si Solis upang lapatan ng lunas subalit binawian din ng buhay dahil sa natamong matinding head injury.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Santiago City Police Station 1 si Fabros para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban  sa kaniya.