Lalaking nalulong sa larong ‘scatter’, arestado matapos looban ang tindahan ng tiles

Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ngayon ng isang 27-anyos na lalaki nang madakip ng mga otoridad matapos pasukin ang tindahan ng mga tiles sa lungsod ng Mandaue, Cebu nitong Lunes, Agosto 12, 2024 pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si alyas Mark, may live in partner, residente ng Sitio Bato, Barangay Ermita, Cebu City.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Ayon sa suspek, dumaan sya sa kisame ng naturang tindahan at nang nakapasok biglang tumunog ang alarm system.

Nataranta si Mark kaya’t muling umakyat ngunit nang huminto ang alarm, bumaba syang muli at kinuha ang P10,000 na cash.

Dagdag pa nito, napakabilis umano ng pangyayari at dumating agad ang kapulisan.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Napag-alaman na nakulong na sya dati dahil sa illegal drugs at physical injury.

Aminado ang suspek na nalulong sya sa online game na ‘scatter’ at gagamitin sana ang pera sa pang-araw araw na gastusin at pang sugal na rin umano

Sa ngayon, nananatili sa custodial facility ng kapulisan ang nasabing suspek.