Lalaki, patay matapos masagi ng van

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang isang driver ng van matapos banggain ang isang lalaking nagmamaneho ng bisekleta.

Nangyari ang insidente pasado alas 05:00 ng hapon nitong Sabado, Agosto 10, 2024 sa National Highway, Barangay Tinaan, Naga City, Cebu.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang biktima, kinilalang si si Keiji Luga, 23-anyos, residente ng Barangay Tinago, Cebu City

Sa imbestigasyon ng City of Naga Police, binabaybay ng bisekleta at van ang parehong direksyon na patungo ng Cebu City ngunit pagdating sa nasabing lugar, biglang nasagi ng van ang bisekleta.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biker at nabagok ang ulo. Dinala pa ito sa pinkamalapit na ospital ngunit ideneklarang dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng kapulisan ang nakabangga na driver ng van.