Mga produkto ng Agrarian Reform Beneficiaries Organization, ibibida tuwing Huwebes sa DAR Regional Office

BNFM Bicol-NAKATAKDANG ibenta tuwing araw ng Huwebes ng mga Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol ang kanilang mga aning produkto.

Nitong Lunes, Agosto 12, nang pormal nang buksan ang ‘Agraryo Merkado sa DARRO’ sa mismong bagong opisina ng DAR Bicol sa Legazpi City.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Matatandaan nitong Marso ngayong taon nang pirmahan ng Philippine National Police (PNP) Bicol at DAR Bicol  ang isang Memorandum of Understanding na pinapayagang magtinda ang mga ARBO ng kanilang mga produkto sa loob ng  Camp BGen Simeon A. Ola, Legazpi City.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Patuloy na iniimbitahan ang mga bicolano na tangkilikin at bisitahin ang mga produktong ibibenta tuwing Huwebes. ### KENNETH BERMIL