Mountaineering activities sa Mt Bulusan, ligtas at patuloy

On going ang mga mountaineering activitiy sa Mount Bulusan, ito ang kinumpirma ni Municpal Councilor Philip Bartilet sa pakikipagpanayam ng Brigada News FM Sorsogon.

Ayon dito, pagdating sa mga aktibidad ng mountaineering sa nasabing bulkan ay wala umanong dapat na ipangamba dahil nananatiling normal ang estado ng bulkan na nasa alert level zero status batay na rin sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Patuloy din umano ang kanilang monitoring upang matiyak na walang anumang abnormalidad sa bulkan.

Bukod pa rito, sinabi ni Bartilet na lagi din nakasubaybay ang LGU at ang AGAP Bulusan na nagsisilbing frontline service provider ng mga umaakyat sa bulkan o mga mountaineers.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Mababatid na ang nasabing mga aktibidad ay parte ng Bulusan Vulcaneering “Twin Peaks & Three Lakes in a Climb” sa ilalim ng  Eco-Adventure Tourism Program ng LGU.