Lalaking nahaharap sa mabigat at patong- patong na kaso sinilbihan ng warrant of arrest sa loob ng kulungan

CAMARINES NORTE – Sinilbihan ng warrant of arrest ang isang lalaking dati nang nakakulong sa Capalonga Municipal Police Station dahil sa patong- patong na kaso ng pangagagahasa at Child abuse.

Ginawa ng mga pulis ang pagsisilbi ng apat na warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 64 sa bayan ng Labo, laban sa suspek na si Randy Lusanta Sr. y Bulas 47, isang magsasaka na residente ng Barangay Camagsaan, Capalonga, Camarines Norte Miyerkules ng umaga.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Si Lusanta ay nahaharap sa kasong Rape, at patong- patong na kaso ng paglabag sa Anti Child Abuse law.

Matatandaang nakulong si Lusanta noong Abril dahil naman sa patong- patong na kasong may kaugnayan sa iligal na droga at armas.

Si Lusanta ay ang ikalima sa Provincial Most Wanted Person sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Pinaalalahanan naman ni PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor ang mga kapulisan na mas pag ibayuhin pa ang kampanya sa pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas.

Ayon kay Guadamor, sa bawat krimeng napipigilan at kasong nalulutas maliit man o malaki ay kabawasan sa karahasang maaaring idulot sa komunidad.