CAMARINES NORTE- Bumagal sa 6.5 % ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin at serbisyo noong Hunyo sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) mas mababa ito kumpara sa 7.1 % noong Mayo at pangalawa sa pinakamababa mula noong Enero.
Gayunman mas mataas pa rin ito kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon na mayroong 4.7 %.
Ikalawa rin ito sa pinakamataas na inflation sa loob ng siyam na taon sa magkakaparehong buwan.
Sa buong Bicol Region ay mataas pa rin ang inflation rate sa 6. 3 % pero mas mababa naman ito kumpara sa 7.5 % noong Mayo.
Ibig sabihin, bagamat bumagal noong Hunyo ay mabilis pa ring maituturing ang pagtaas ng presyo ng mga pangunaging bilihin at serbisyo sa rehiyon.
Pangalawa rin ito sa pinakamataas na inflation sa loob ng siyam na taon sa magkakaparehong panahon.
Sa mga lalawigan sa Bicol, pinakamataas ang inflation rate sa Masbate at Camarines Sur na may 7.8 % at 7.6 % ayon sa pagkakasunod- sunod.
Habang mababa lang ang inflation rate sa Sorsogon ma may 3. 2 %.
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pangkaraniwang serbisyo at produktong binibili ng mga konsyumer.
Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

