Muling nagbabala ang mga otoridad na mahigpit na ipinagbabawal ang pamemeke ng mga dokumento.
Ito’y matapos maaresto ang 29-anyos na si Romel Panonce dahil sa pagbebenta ng mga pekeng government ID.
Ikinasa ang joint-operation ng mga otoridad nitong Lunes, Agosto 12, 2024 sa Sitio Alaska, Brgy. Mambaling, Cebu City.
LONG: Nabatid na lumabas ang pangalan ni Panonce nang mahulihan ng pekeng BIR TIN card ang isang nabiktima nito noong Agosto 09 sa Plaridel Street, Cebu City.
Ayon sa NBI-7, nagsagawa sila ng transaction online kay Panonce at nang magde-deliver na, inaresto ito ng mga ahente ng NBI.
Nakuha mula sa kanyang posisyon ang iba’t-ibang pekeng government documents. Kasong falsification of public documents at computer related forgery ang isinampa ng NBI-7 laban kay Panonce.