NAGA CITY- Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang aso matapos itong isinilid sa isang sako. Patay ang isa sa mga aso at ang isa naman ay natagpuang nag-aagaw buhay.
Batay sa report ng Nabua Municipal Police Station habang nagpapatrolya, nahuli nila si Jesus Fortuno y Orasa, 56 years old at narecover ang isang sako na laman ang mga aso na kakatayin sana ng suspect at ibibenta.
Ayon sa pulisya, dumarayo pa ang suspect mula sa karatig na mga lugar para bumili ng mga aso at kaniya namang isinisilid ang mga ito sa sako at isinasakay sa likod ng kaniyang bisikleta.
Wika ng suspect, alam niya ang Animal Welfare Act, nagagawa niya lang ito para may pangtustos sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Nalabag ng nasabing ang Animal Welfare act of 1998 at nasa kustodiya na ito ng Nabua MPS para sa kaukulang disposiyon.