ePhilID, ALTERNATIBONG VALID ID HABANG HINIHINTAY ANG MISMONG NAT’L ID

Ipinaalam ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Isabela na maaari nang gamitin ang ePhilD o ang electronic copy ng mga National ID bilang alternatibo habang wala pa ang mismong physical card na copy nito.

Ayon pa sa ahensya, mayroon itong functionality at validity na katulad din ng PhilID.

Inilatag din nila ang mga benepisyo nito at ilan nga rito ay magsisislbi itong valid ID na maaaring gamitin sa mga transakyon na kinakailangan nito, libre rin itong makukuha, at makakaasa rin sa seguridad dahil sa kaniyang QR code feature.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Trina Pauline Cajayon, residente ng Echague, Isabela at registrant pa noong 2021, Ikinatuwa naman nito ang pagkakaroon ng ganitong inisyatiba ng PSA sapagkat mas mapapadali rin aniya ang pag-access nito.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Sa kasalukuyan, nasa 495, 745 na ang total issuance ng ePhilID sa lalawigan at maari pa ring magtungo ang mga residente sa mga registration centers para kunin ang kanilang mga ePhilID copy na makukuha sa loob lamang ng tatlong minuto.