Itinuturing na isang standard election office (EO) facility ang bagong gusali ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa buong bansa, ayon ito kay Bicol Regional Election Director na si Atty Maria Juana Velez.
Ayon pa dito, ang bagong Comelec building ang pinaka-conventional na opisina ng Comelec na nakita niya sa kanyang mga paglalakbay sa buong bansa dahil umano sa napakaraming kaginhawaan na nakatuon upang gawing mas madali ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Ang gusali ay may ligtas, maluwag at secure na storage room para sa mahahalagang dokumento; isang guardhouse o public information booth, isang waiting area na may priority lane access, isang conference area at isang gender-sensitive registration area.


Mayroon ding magkahiwalay na silid para sa election officer at election assistant, gayundin ng lactation facility, pantry at comfort room.
Idinagdag ni Velez na ang Aroroy Comelec Office ay gagawing modelo para sa iba pang mga poll office building sa Pilipinas.
