Lalaking inanod ng tubig-baha sa Koronadal, bangkay nang natagpuan

KORONADAL CITY — PATAY na nang matapuan ang isang lalaki na tinangay ng tubig-baha habang tumawid sa tulay sakay sa kanyang motorsiklo sa Barangay Liberty, Tampakan, South Cotabato.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Police Major Ramil Aruelo, hepe ng Tampakan PNP, kinilala nito ang biktima na si Erick Sardido, nasa legal na edad, single, isang construction worker at residente ng Barangay Buto, ng nasabing bayan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Natagpuan ang biktima sa gilid ng ilog sa bahagi na ng Barangay Topland, Koronadal.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Una rito, sinubukan tawirin ng biktima ang tulay sakay ng kanyang motorsiklo ngunit may nakaharang umanong kahoy dahilan upang anurin ito ng malakas na tubig-baha kasama na ang kanyang motorsiklo.

Galing umano sa birthday party ang biktima pinaniniwalaang naka-inum.