Huli ang tatlong wanted sa batas na sina Pio Indic Gerehid Jr., a.k.a “George”, 30 anyos, Jomar Inog Salmorin a.k.a “Dods”, 23 anyos, construction worker; at si Jude Merculio Gurdevilla a.k.a “Rodel”, male, 40 anyos sa So.Maasin, Barangay Ramon Magsaysay, Aborlan, Palawan nitong Sabado, ika- 18 ng Setyembre.
Sila ay inaresto ng Aborlan PNP kasama ang 1st PPMFC, PHPT-Palawan at Quezon SBU-MG bitbit ang arrest warrant mula kay Hon. Judge Norferio B. Nono of MTC Aborlan, Brgy. Ramon Magsaysay, Aborlan, Palawan.
Ang tatlong suspek ay may kaso na Attempted homicide na ngayong ay nasa kustodiya ng Aborlan PNP.