Dagdag na paaralan para sa pagsasagawa ng limited face to face classes sa susunod na taon aprobado n ani pangulong Duterte ayon kay usec Umali

LEGAZPI CITY – Bibisita pa rin ngayon araw ang Department of Education (DEPED) Central Office at Regional Office personnel para tingnan kung papaano ipinatutupad ng Schools Division Office (SDO) Ligao City sa dalawang paaralan ang guidelines implementation ng pilot testing area na limited face to face classes. Ito ang inihayag ni Usec Tonisito Umali ng nasabing tanggapan sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Usec Umali, aprobado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagan na paaralan para sa pagsasagawa ng limited face to face classes sa susunod na taon o mas maaga sa buwan ng Marso.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

 Aniya, mahalaga rito ay makita nito ang actual na ginagawa ng mga paaralan sa pagpapatupad ng protocols and guidelines ng face to face classes kung ito ay nasusunod. Inihalimbawa rin nito sa pagpasok sa paaralan ng mga bata kasama ang kanilang anak papaano o ano ginagawa bago pumasok silid aralan at marami pang iba.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aabot sa 100 Pampublikong paaralan at 20 na pribadong paaralan sa bansa ang nagsasagawa ngayon ng limited face to faces classes. Sinabi ng opisyal, ang ginagawa ngayon ng tanggapan sa panguguna ni Sec Leonor Magtulis Briones ay ito solidong napag- aaralan ng mabuti upang maisagawa ng maayos ang likited face to face classes.