Lalaki, wala ng buhay nang matagpuan sa Real, Quezon

Naaagnas na bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki sa baybayin ng Barangay Malapad, Real, Quezon nitong Sabado, Abril 13.

Ayon sa police report, wala umanong damit ang 33-anyos na lalaking biktima at mayroon din itong sugat sa likuran nang madiskubre ito bandang alas-2:47 ng hapon.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Napag-alaman na huling nakita ang biktima pasado alas-9:00 ng gabi noong Abril 11, 2024.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. Isasailalim rin sa autopsy ang biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.