Lalaki, wala ng buhay nang matagpuan ng kanyang misis sa San Narciso, Quezon

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa mabundok na bahagi ng Barangay Villa Aurin, San Narciso, Quezon nitong Lunes, Hunyo 17.

Ayon sa report, bandang alas-11:00 ng gabi umano noong Hunyo 16 nang makarinig ng mga putok ng baril ang misis ng biktima malapit sa kanilang bahay at nang tingnan niya ito ay doon na nadiskubre ang wala ng buhay na asawa.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Narekober sa crime scene ang isang (1) fired cartridge case at tatlong (3) cartridge para sa Caliber .45.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril sa biktima.