Lalaki, tumawid nang naka-handstand

Kabrigada, ga’no ka halaga sa’yo ang mga sapatos mo?

Patok sa social media ngayon ang viral video ng isang lalaking lumabas sa kanyang kotse na unang bumaba ang mga kamay.

Makikita sa video na ito ang struggle ng lalaki na ibalanse ang sarili sa mga kamay niya habang lumalabas sa kanyang kotse.

Ayaw niya umanong mabasa ang bago niyang mga sapatos dahil mahal ang bili niya dito kaya naman minabuti na lang niyang mag-handstand para kahit lubog na sa baha ang sleeves ng suot na coat, at least tuyo ang brand new shoes niya.

“Why didn’t he just take them off?” Tanong ng isang X user na hindi mapagtanto ang rason kung bakit pinili ng lalaki na tumawid sa baha habang naka-handstand. # # # Nico Merciales, Intern

Screenshots from @SpellOdyssey