Naging pahayag ng NSC vs Rep. Castro kaugnay ang isyu ng ‘Talaingod 18’ – tinawag na ‘absurd’ ng mambabatas

Nanindigan si ACT Teachers party-list Representative France Castro na ’emergency situation’ na ang nangyari kaya nila nagawang i-‘rescue’ ang mga menor de edad na nasa isyu ng ‘Talaingod 18’.

Ito ay kasunod ng naging bagong pahayag ng National Security Council (NSC) kung saan sinabi ni NSC Assistant Director Jonathan Malaya na isinakay nina Castro ang 14 menor de edad sa 5 passenger vans nang walang permiso mula sa kanilang mga magulang, at walang knowledge mula sa mga law enforcement agencies.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Castro, sinabi nitong bakit kailangan pang humingi ng permit para iligtas ang mga bata, gayung nasa emergency situation na sila.

Read More:  Palace urges public not to hoard bottled water amid super El Niño

Giit ng mambabatas, walang logic ang sinasabi ni Malaya.

Hindi rin aniya ito katanggap-tanggap lalo pa’t ang nais lang naman nina Castro ay mailigtas ang mga bata.