Binabantayang LPA – mababa na ang tiyansa na maging isang ganap na bagyo

Magpapa-ulan pa rin ngayong araw ng Miyerkules ang Low Pressure Area (LPA) at southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 40 kilometro silangan-timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Apektado nito ang Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Isabela, Aurora, Quezon, Marinduque, at Romblon kaya asahan ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa ngayon – mababa na ang tiyansa na mag-develop ito bilang isang ganap na bagyo.

Samantala, naaapektuhan ng habagat ang kanlurang bahagi ng Timog Luzon, Visayas, at Mindanao.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Dahil dito ay inaasahan ang mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Visayas, Mindanao, Metro Manila, at CALABARZON

Samantala, sa inilabas na Rainfall Advisory No. 7 ng PAGASA para sa Visayas PRSD – inaasahang magkakaroon ng mahina hanggang katamtaman, na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Eastern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Bohol, ilang bahagi ng Cebu, at Kalayaan Islands sa Palawan.