Lalaki, timbog sa buy bust operation sa Calatagan Batangas

Arestado ang isang matandang lalaki sa buy bust operation sa Barangay Balibago, Calatagan Batangas.

Nakilala ng Calatagan MPS ang suspek na si Apolinario Zapata y Tabora, alyas Poling, 63 anyos,  isang driver at residente n g Barangay Poblacion 1 ng nasabing bayan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Base sa report, ikinasa ng Calatagan MPS ang nasabing anti-illegal drugs operation laban sa nasabing suspek noong Linggo ng hapon kung saan huli sa akto ang pagbebenta nito ng pinaniniwalaang shabu.

Narekober sa suspek ang isang P500 bill na marked money, 4 na sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang leather wallet at isang unit ng Isuzu Elf Van na may plate number na XFT 483.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon, nakadetine na ang nasabing suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.