Milagrong buhay ang isang lalaki na nakitang nag-stowaway sa wheel section ng isang eroplano mula sa South Africa patungong Amsterdam.
Ayon sa Dutch police, hindi karaniwan na maka-survive ang mga stowaway sa mga mahahabang flights dahil sa lamid at mababang oxygen sa high altitudes.
Hindi naman agad natukoy ng mga otoridad ang edad at nationality ng lalaking stowaway.
Tiniyak naman ng Royal Dutch Military Police na agad na dinala sa ospital ang lalaki at nasa stable itong kondisyon.
Hindi naman malinaw kung saan nanggaling ang stowaway dahil mula sa Johannesburg patungong Schiphol pero nag-stopover sa Nairobi kaya hindi malinaw kung galing ito ng South Africa o sa Nairobi.
