CHED-Bicol, nilinaw na tanging mga fully vaccinated individuals lamang ang maaaring makiisa sa face to face classes

BICOL – MULING binigyang-diin ngayon ng Commission on Higher Education o CHED-Bicol na tanging mga fully vaccinated na mag aaral, teaching at non-teaching personnel ang maaaring makiisa sa mga isasagawang limited face-to-face classes.

Una na ngang inanunsyo ng komisyon ang resumption ng limited face-to-face classes sa mga higher education institutions (HEIs) at state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng alert level 3 sa darating na Enero 31.

Ayon kay Dr. Ma. Pamela Viñas, education supervisor, lahat ng mga kolehiyo at unibersidad, pati na ang mga satellite campuses at branches ay maaari nang magsagawa ng in-school activities basta ito ay pahihintulutan din ng nakakasakop na LGU.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dapat din umano kasi isa-alang alang ang covid-19 situation sa isang lokalidad para matiyak ang hindi mailalagay sa alanganin ang kapakanan ng mga makikiisa rito.

Gayundin, dapat din umanong magpatupad ang mga HEIs ng additional precautionary measures’ para sa mga ‘ulnerable individuals’ lalo na para sa mga may edad na empleyado o mag aaral na may health issues.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dahil umano hindi naman mandatory ang limited face-to-face classes, ang mga nabanggit na ahensya ay kailangang tumalima sa mga hakbang at polisiya na ayon sa minimum public health standards na itinatakda ng DOH.

Samantala, bubuo rin umano ng school-based crisis management committee na siyang magbabantay kung nasusunod ang health at safety measures sa buong pagsasagawa ng in-school activities ngayong ‘new normal’.