Lalaki sa Spain, umarteng na-heart attack para makatakas sa restaurant bill

Kakain ka ba sa isang restaurant kung alam mong wala kang pera o hindi sapat ang iyong dalang salaping pambayad?

Ito ang hindi inisip ng isang lalaki sa Spain na kung saan buong tapang siyang kumain sa loob ng isang resatuarant na nag-order lang naman ng whiskey at paella.

Umabot sa $37 o PHP2, 000 ang naging bill niya sa kanyang in-order.

Imbes na bayaran ito, laking-gulat ng mga nasa loob ng restaurant nang bigla na lang siyang inatake sa puso dahil dito agad na tumawag ang staff ng restaurant sa pulisya.

Doon na nga napag-alaman na maraming beses na pala itong ginagawa ng lalaki at ilang beses na rin siya nahuhuli ng mga  pulis. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *