55-anyos na vendor, dalawang beses na binaril sa ulo sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang 55-anyos na lalaki matapos itong dalawang beses na barilin sa Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon nitong umaga ng Miyerkules, Mayo 15.

Ayon sa police report, nakatayo noon sa kalsada ang biktimang si alyas “Edgardo”, 55-anyos, nang sumulpot ang mga suspek saka ito walang anu-anong binaril na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Samantala, agad namang tumakas ang suspek dala ang armas na ginamit nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang mga suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *