Nabawasan na umano ang bilang ng mga Facebook pages na nag-aalok ng illegal adoption.
Ayon sa National Authority for Child Care (NACC), mula sa 23 pages, pito na lang ang natitira dahil may na-deactivate na ang CICC.
Sinabi naman ni NACC Usec. Janella Estrada na nakipagpulong na sila sa PNP Cybercrime Investigation and Coordinating Center upang resolbahin ang nagkalat na mga Facebook accounts na naglalako ng mga bata.
Kasabay ng isyung ito, pinagtitibay ng tanggapan ang legal na proseso ng adoption.
Sa huli, panawagan ng ahensya sa publiko – huwag suportahan ang ilegal na bentahan ng bata online man ito pisikal.