India—Nahaharap ngayon sa kasong “Arson” ang isang 33-anyos na lalaki sa India matapos niyang sunugin ang isang bangko doon na nag deny ng kanyang loan at hindi siya pinahintulutang makautang.
Batay sa ulat ng local news media, nakilala ang suspek na si Wasim Hazaratsab Mulla – isang charity worker sa naturang bansa at nagpapatakbo ng isang NGO.
Kinailangan ni Mulla ng 1.6 million rupees o katumbas ng P1.2 million upang ipang purchase ng mga kagamitan sakanyang NGO kung kaya’t nag apply siya ng loan sa Canara Bank.
Ganunpaman, dahil sa kanyang mababang CIBIL score at discrepancies, hindi naaprubahan ng naturang bangko ang kanyang loan at hindi siya pinautang.
Hindi natanggap ni Mulla ang desisyon ng naturang bangko kung kaya’t makaraan ang ilang araw, tumungo ito sa Canara Bank at binasag ang bintana.
Nagsaboy ito ng petrol sa loob ng buong bangko bago sinindihan kaya ganun na lamang kabilis ang naging pagkalat ng apoy.
Ayon sa pulisya, tinatayang aabot sa 1.2 million rupees ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog habang maswerte namang walang nasaktan sa insidente.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol