War materials ng NPA nasamsam ng militar

SORSOGON CITY – Nasamsam ng mga militar ang dalawang high powered firearms, low powered firearms, pampasabog at mga shrapnels sa Brgy Maalo, Juban, Sorsogon.

Ayon sa ulat, nagsasagawa umano ng security operations ang tropa ng pamahalaan nang may namataan silang mukhang kahina-hinalang lalaki na biglang kumaripas ng takbo nang makita sila.

Sa pagsisisyasat sa lugar, natuklasan ng tropa ang isang bulto ng gamit panggiyera na kinabibilangan ng dalawang M16 rifle, dalawang kalibre .38 na revolber, dalawang anti-personnel mine (APM) at isang plastic na naglalamang ng mahigit-kumulang 15kg ng shrapnel.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa pahayag ng commander ng 903rd Brigade na si BGen Aldwine Almase, sinabi nito na ang rebeldeng grupo ay patuloy na nawawalan na ng lakas ng mga tauhan kasabay ng pagkawala ng lakas ng kanilang mga armas at simpatiya ng masa.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

“Sa mga natitira pang miyembro ng CTG, sana mabuksan na ang inyong mga isipan na kahit gaano pa kayo katagal na manatili sa kabundukan, walang mararating ang inyong ipinaglalaban. Bumaba na lamang kayo at makipagtulungan sa amin dahil tiyak, may patutunguhang mabuti ang inyong buhay. Nagsasayang lamang kayo ng panahon sa walang saysay na kilusan,” sabi pa ni Almase.