Lalaki sa France, ilang linggong  nakaranas ng pangangati ng mata matapos mapasukan ng ‘uod’

France— Na diagnosed sa pagkakaroon ng “external oplthalmomyiasis’ ang isang 53-anyos na lalaki sa France matapos na madiskubre ng mga doktor na pinamahayan ng mga larvae o uod ang kanyang mga mata.

Batay sa ulat ng New England Journal of Medicine, ilang linggo nang nakakaranas ng pangangati ng mata ang isang lalaking hardinero na nagta-trabaho sa isang farm ng mga tupa.

Nang mag desisyon siyang magpadala sa E.R dahil sa hindi na matiis na pangangati at pamumula ng mata, nadiskubre ng mga doktor na ang inakala niyang simpleng pagka-puwing lamang ay isa palang delikadong kondisyon.

Nadiskubre ng mga eksperto sa mata ng pasyente ang “numerous mobile, translucent larvae” sa bahagi ng kanyang cornea at conjunctiva.

Napag-alaman din na ang mga naturang larvae ay magiging “Sheep bot fly” kapag nag matured na karaniwang naninirahan sa mga tupa at kabayo.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling na ang lalaki matapos isailalim sa operasyon kung saan maingat at matiyagang tinanggal sa pamamagitan ng forceps, ang mga uod o larvae  na nanirahan sakanyang mga mata.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol