Ibinahagi ni British Boxer Amir Khan ang kanyang karanasan matapos umanong tutukan ng baril at pagnakawan ng dalawang kalalakihan habang naglalakad sa isang kalsada sa London kasama ang kanyang misis.

“Just had my watch taken off me at gun point in East London, Leyton,” saad ni Khan sa kanyang Twitter.
“I crossed the road with Faryal (Makhdoom), luckily she was few steps behind me.”
Nagpapasalamat naman si Khan dahil ligtas sila ng kanyang asawa matapos sapilitan kunin ng mga magnanakaw ang kanyang relo.
“2 men ran to me, he asked for my watch whist having a gun pointed in my face. The main thing is we’re both safe,” kwento ni Khan.
Ang 35-anyos, na nanalo ng lightweight silver sa Athens Olympics noong 2004 at dating unified light-welterweight champion, ay huling lumaban noong Pebrero subalit nakatikim ng pagkatalo sa kamay ni Kell Brook.
Ikinokonsidera na din umano nito ang pagreretiro sa boxing.