Isa sa pumatay sa magpinsan na Absalon, tiklo sa manhunt operations

SORSOGON CITY – Hindi na nakapalag nang masakote ng mga awtoridad ang isa sa salarin sa pagpatay sa magpinsan na Absalon sa inilatag na manhunt operations, dakong ala 1:00 kahapon, Abril 18 sa Brgy Bapor lungsod ng Masbate.

Bitbit ang arrest order, agad na isinilbi ito kay Rolly Banoy Hermina alias Oly o Olin, 51-anyos, may asawa, magsasaka at karpentero at naninirahan sa Brgy Bolo ng nasabing lungsod.

Si Hermina ay nahaharap sa patong-patong na asunto kabilang ang 3 counts of murder, na walang piyansa; 2 counts of Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes Against Humanity na may itinalagang P400, 000.00 at attempted murder na may piyansang P120, 000.00.       

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Ang warrant of arrest ay sabay na ibinaba ng RTC Br 47 at Br 48 noong August 6, 2021.

Ang akusado ay nasa kustudiya na ng Provincial Intelligence Team 5 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Kung babalikan, ang magpinsan na sina Kieth at Nolven Absalon ay naging biktima ng kalupitan ng rebeldeng grupong NPA nang pasabugin ng mga ito ang anti-personnel mine, umaga noong Hunyo 6 sa Brgy Anas ng nasabing lungsod.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Lumabas din sa autopsy report na si Nolven ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanang balikat at kaliwang hita habang si Kieth ay may tama ng bala sa kanang mata.

Agad naman inako ng NPA ang pagpatay sa magpinsan at nagpahayag ng kanilang pagsisisi sa insidente at tinanggap ang buong responsibilidad at nangakong maglulunsad din ng malayang pagsisiyasat sa pagpatay sa mga biktima.