Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng marijuana sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy bust operation ng Alicia Police Station sa Brgy. Aurora Alicia, Isabela gabi ng August 16, 2021.
Kinilala ang suspek na si Mark Joseph Chang, 27 anyos tubong San Jose Del Monte Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Salvacion, Alicia, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM sa Alicia PS, kabilang si Chang sa DI Listed o drug personality na binabantayan ng kapulisan at nagbebenta ng illegal na droga sa naturang bayan.
Nakumpiska sa direktang pag-iingat ni Chang ang isang piraso ng heat sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana, 610 pesos, isang unit ng cellphone at isang unit ng kalibre 38 na baril na mayroong limang (5) bala.
Napag-alaman din na dati ng naaresto si Chang sa Brgy. Citrus San Jose del Monte, Bulacan sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Alicia Police Station ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa kaniya.