Inaasahang darating sa bansa ang halos anim na milyong COVID-19 vaccine doses ngayong linggo.
Ayon sa national vaccine manager, ang expected shipments ay kinabibilangan ng apat na milyong doses ng CoronaVac, isang milyong doses ng Sinopharm, at 400,000 hanggang 500,000 ng Moderna.
Sa Biyernes, inaasahan rin ang pagdating ng karagdagang 500,000 doses ng AstraZeneca jab.
Ayon sa National Task Force against COVID-19, sa nakalipas na dalawang linggo, nasa 8.7 million vaccine doses na ang naidedeliver sa bansa, habang 42.5 million COVID-19 vaccines sa kabuoang simula noong Pebrero.
Sa naturang bilang, sinabi ng NTF-COVID-19 na 23.7 million ang binili ng national government, 2.9 million ang binili naman ng local governments at ng private sector, habang 15.9 million ay mula sa mga donasyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD
