Mga MSME sa 37 na LGU sa Isabela, nabigyan na ng livelihood kits

Nabigyan na ng Department of Trade and Industry-Isabela ang mga Micro Small Medium Enterprises (MSMEs) ng livelihood assistance sa ilalim ng Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) at Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG).

Sa panayam ng ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun, napuntahan na ng kanilang ahensya ang 37 na LGU sa lalawigan ng Isabela maliban sa apat na munisipalidad na mahirap aniyang puntahan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Aniya, karamihan sa kanilang natutulungan ay mga ambulant vendors at iba pang MSME sa lalawigan na higit na nangangailangan ng karagdagang kagamitan para sa kanilang negosyo.

Nakatatanggap ang bawat benepisaryo ng 8,000 pesos na halaga ng livelihood kit.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Batay umano sa monitoring ng ahensya ay nakatutulong umano ang mga ibinibigay na benepisyo ng ahensya sa mga MSME para sa pagpapalago ng kanilang maliit na negosyo.

Magugunita na na nakatanggap ng kabuoang 48,000 pesos na halaga ng livelihood kits sa ilalim ng naturang programa ang anim na benepisaryo mula sa bayan ng Mallig, Isabela.