Lalaki, pinagsasaksak dahil sa selos

Patay ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin dahil umano sa selos sa Barangay Isabang, Lucena City nitong Sabado, Agosto 3.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, kinompronta umano ng suspek na si alyas “Hapon” ang biktimang si alyas “Dagul”  patungkol sa relasyon nito sa kanyang kasintahan na nauwi sa mainit na alitan.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Doon na makailang beses na pinagsasaksak ng suspek ang biktima saka tumakas dala ang patalim na ginamit.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Samantala, isinugod pa sa hospital si alyas Dagul subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang nasabing suspek.