Nagueño, muling pinapaalalahanan sa Proper Waste Segregation

NAGA CITY – Pinapaalalahanan muli ang bawat Nagueño ng City Solid Waste Management Office na magkaroon ng disiplina sa tamang pagtapon at paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at hindi nabubulok dahil ito umano ang nakikitang rason kung bakit patuloy na binabaha ang ilang lugar sa lungsod tuwing may malakas na pag-uulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, head ng SWMO, napag-alaman na 50% lamang sa buong lungsod ang sumusunod sa proper waste segregation. Karamihan sa hindi sumusunod ay galing sa mga kababahayan. Aniya, tanging ang mga business establishments lang ang naoobliga nila at sumusunod sa ganitong regulasyon.Dagdag pa niya, tambak na nga ang ordinansa para lang magkaroon ng maayos na sistema ang tungkol sa basura ngunit mukhang nakukulangan pa umano sa mahigpit na implementasyon nito lalo na sa mga bara-barangay.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City
Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Muli ring ipinaalala ng opisyal na tuwing Lunes hanggang Miyerkules, Biyernes at Sabado lamang sila nangongolekta ng mga nabubulok na basura habang Huwebes at Linggo naman para sa mga hindi nabubulok.

Upang masolusynan ang problema, pinaplanuhan ng opisina na maghain ng isang proyekto kung saan kokolektahin ng barangay ang kilo-kilong plastic sa mga residente kapalit ang bigas, eco at fashion bag at mga school supplies.