Lalaki, patay nang atakihin sa puso habang nakasakay sa isang pampasaherong bus sa Atimonan, Quezon

Isang lalaki ang binawian ng buhay matapos umano itong atakihin sa puso habang nakasakay sa isang pampasaherong bus nitong Linggo, Abril 16.

Kinilala ang nasawi sa pangalang “Frederick”, nasa hustong gulang at residente ng San Andrea Bukid, Manila.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa salaysay ng konduktor sa naturang bus, bandang alas 8:00 ng umaga nang sumakay si Frederick sa naturang bus at habang nasa biyahe ito patungo sa Maynila, bigla na lamang sumama ang pakiramdam nito habang nakahawak sa dibdib saka nawalan ng malay.

Dahil dito, humingi ang mga ito ng tulong sa MDRRMO para madala sa hospital si Frederick

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sinubukan pa umano itong i-revive subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Samantala, napag-alaman na mayroong iniinom na maintenance na gamot ang biktima at wala ring nadiskubreng foul play sa pagkasawi nito.