Patay ang isang Jolan Magbanua Repecio, 38 anyos residente ng Bgy. Taburi Rizal Palawan matapos tagain sa Brgy. Latud, Rizal Palawan ganap na alas-nwebe kagabi, ika- 7 ng Nobyembre.
Kinilala ang suspek sa krimen na si Renante Letada Basical, 44 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng Rizal PNP at ayon sa mga testigo, alas-otso kagabi ay pumunta sa bahay ng suspek ang biktima na noo’y lasing na rin at doon siya nito inimbetahan na uminom ng alak.
Pumayag umano si Renante na makipag-inuman sa biktima at dahil sa pagiging magkapitbahay nila ay pinagbigyan niya ito na sila’y mag-inuman subalit ito’y nauwi sa pag-aaway matapos na hilain at suntokin umano ng biktima ang paa ng suspek na may sugat.
Ilang sandali pa ay tinaga ni Jolan si Renante pero naunahan siya nito at napukpok siya ng martilyo sa ulo.
Sa gitna ng kanilang pag-aaway ay naagaw ng suspek ang itak ng biktima na siyang ginamit para siya’y tagain
Ang biktima ay nagtamo ng mga taga sa katawan at naputolan pa ito ng kanang kamay.
Samantala, sumuko sa punong bayan ang suspek na si Renante na nahaharap na ngayon sa kaso.