3 indibidwal na nawala sa bayan ng Narra, mag-iisang buwan nang hindi nakikita

Umaasa pa rin ngayon si Ms. Marites Remonsada na makikita ang katawan ng mga mahal nito sa buhay nang mawala ang mga ito sa pagbaha sa Brgy. Batang-batang sa Narra, Palawan noong buwan ng Oktubre 2021.

Ayon kay Marites, positibo siya na makikita pa rin ang katawan nina Liezel Esmao at mag-asawang Linda at Roden Remonsada sa ilog ng Brgy. Batang- batang.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Hiniling ni Marites na gumamit ang rescuer ng mga backhoe upang mahukay ang lugar kung saan posibleng natabonan ang tatlong nawawala.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay ay nakaranas na ng depression si Noel Remonsada- asawa ni Liezyl Esmao kung saan tinangka na rin umanong nitong magpatiwakal dahil dumating na pagsubok sa pamilya subalit hindi sila nawawalan ng pag-asa, ayon pa kay Marites.