Suspek sa pagpatay sa gwardya ng J Marketing sa Puerto Princesa, sasampahan na ng kaso

Inihahanda na ng Police Station 1 ang kasong homicide na isasampa laban sa mga suspek o mga suspek na pumatay sa gwardya ng J Marketing na si Jessie Cabayan Mampay.

Ayon kay Station commander PCapt. Alta Xerxes , tukoy na nila pagkakakilanlan ng mga suspek matapos na may tumestigo sa pagpatay sa biktima at ngayong araw ay sisikapin nilang maihain ang kaso.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa pamamagitan ng regular filing ay sasampahan ng kaso ang suspek ng Homicide.

Sinabi pa ni PCapt. Xerxes na kung makikipagtulongan lamang sa pulisya ang isang kasama ng suspek ay posibleng hindi siya makasuhan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na noong ika-1 ng Nobyembre 2021 ay isang saksak ng patalim ang tumapos sa buhay ng biktimang si Mampay habang naka-duty sa J marketing matapos nitong sitahin sa harap ng establisyemento ang mga suspek.