Nanatiling palaisipan kay Senadora Risa Hontiveros ang tunay na pagkakakilanlan ng tunay na nanay ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Anya, base sa mga kasalukuyan nilang nakakalap na impormasyon, laging kabilang ang isang Chinese national na nagngangalang Lin Wen Yi sa mga negosyo ng pamilya ni Guo.
Kung saan, makikita rin sa isinumiteng dokumento ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may parehong address na ni-register o idineklara ang tatay ni Guo at ang babaeng Chinese.
Kaugnay nito, kung sakaling ito umano ang tunay na biological mother ng alkalde ay maaring noong labinglimang taon pa lang si Lin Wen Yi ay iniluwal na niya si Alice, na siyang nagpapatunay na purong Chinese ito.
Maalala, una ng sinabi kahapon ni Senador Win Gatchalian na natagpuan na nila ang tunay na nanay ni Guo mula sa mga dokumentong nakalap nila sa Valenzuela kung saan nanirahan dati ang alkalde.