Lalaki, patay matapos masagi ng nag-overtake na van sa Gumaca, Quezon

Patay ang isang lalaking nagmamaneho noon ng motorsiklo matapos masagi ng isang van sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Camohaguin, Gumaca, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 15.

Ayon sa report, binabagtas noon ng motorsiklo na minamaneho Jayson Bequillos, 44-anyos, ang direksyon nh southbound nang mag-overtake at masakop umano ng van na minamaneho ni Francisco Santelices Jr., 55-anyos, ang naturang lane.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Sinubukan umanong lumiko sa kaliwa ni Santelices para maiwasan ang salpukan subalit nahagip parin nito ang motorsiklo ng biktima.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Dahil sa aksidente, dead on the spot si Bequillos matapos magtamo ng mga linsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang sugatan naman ang angkas nito na kinilalang si Onofre Pasco Jr., 36-anyos.

Samantala, kasalukuyan pang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa aksidente.