Dahil sa ‘Pusoy dos’, apat arestado sa Batangas city

Arestado ang apat na mga kalalakihan dahil sa paglalaro ng ‘pusoy dos’ sa Barangay Sta. Rita Aplaya, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Maximino Cabiñian y Garvia, 39-anyos; Lemuel Guiriba y Santiago, 29 anyos; Edwin Hilario y Ramos, 50-anyos at Lorenzo Ramos y Manuel, 56-anyos.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-10 ng gabi nang magsagawa ng anti-illegal gambling ang mga awtoridad kung saan nahuli ang mga nasabing suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang isang set ng baraha na ginamit sa sugal at kabuuang halaga ng taya na aabot sa P1,550.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602.