Lalaki, patay matapos malunod sa Calatagan, Batangas

Binawian ng buhay ang isang 41-anyos na lalaki matapos na malunod sa dagat habang naliligo kasama ang kanyang mga kaibigan sa Brgy. Bagong Silang, Calatagan, Batangas

Kinilala ng Calatagan Municipal Police Station ang biktima na si Jessie Julio na residente ng Purok 1, Brgy. Tubigan, Biñan, Laguna.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas 12:30 ng hatinggabi kahapon habang naliligo sa dagat ang magkakaibigan ay bigla na lamang nawala ang biktima.

Agad itong hinanap ng kanyang mga kasamahan hanggang sa natagpuan itong nakalutang at wala nang malay, 20 metro ang layo mula sa baybayin.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Dahil dito, mabilis na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Isinailalim na sa otopsiya ang katawan ng biktima.